Good morning, Ma'm, Sir!
Halika, upo po kayo.
Ayan, welcome po sa
Life Planners Management Corporation Incorporated Limited.
Kayo po si Ma'm [Nicole] at si Sir [Gary]
Okay, standard operating procedure lang po,
kailangan ko po kayo tanungin ng inyong
security questions.
Si Ma'm muna: Gaano na kayo
katagal magkakilala?
[Since 2005], okay very good.
And si Sir: What is your child's nickname?
[Taba]. Excellent.
Okay, so naka-schedule po kayo ng 9:00.
Pero dahil late na kayo,
diretso na agad tayo sa business,
keri?
Okay, so kaya kayo narito ngayon
ay dahil napuntahan ninyo ang aming website,
lifeplannersmgtcorpincltd.com,
at nag-fill up kayo ng online application form
para sa isa sa aming mga ino-offer na serbisyo.
Kung hindi pa rin ninyo napansin,
ang aming serbisyo ay
Life Planning. Duh.
Mayroon kaming six different types of services
para sa life planning.
Ang napili ninyo
ay Option no. 6,
at kaya kayo narito ngayon
ay para i-finalize ang paperwork.
Ngunit ayon po sa company policy,
legally obligated po akong ipaliwanag nang husto sa inyo
ang Options 1 to 5,
at ang aking mga ibabahaging impormasyon
ay higit pa sa impormasyon
na makikita sa aming website,
upang sa gayon ay maari pa kayo magpalit ng option
kung inyong gugustuhin.
Okay, so ito ang mga
hindi ninyo napiling option.
Ang Option No.1
ay tinatawag nating
"Daddy Douchebag" package.
So mayroon kaming
mga female seductress,
ito po ang catalogue,
pili na lang kayo.
Iba-iba po presyo niyan,
mas maganda, mas mahal.
So kung sino man
ang mapili ninyong seductress,
ay siyang magse-seduce dito kay Sir,
at within ten working days
ay garantisadong mai-in love 'tong si Sir
sa aming seductress.
Pag na-in love na siya,
siya na mismo ang makikipaghiwalay
kay Ma'm at kay [Taba].
On one hand,
hindi niyo na siya makikita muli
dahil kakalimutan na kayo si Sir nang tuluyan.
On the other hand,
wala kayong maaasahan kay Sir,
kahit pang-matrikula, pang-sustento,
ni singkong butas ay wala kayong makukuha.
Ang sumunod naman dito
ay Option No. 2,
na female version lang
ng Option No. 1.
Ang tawag namin dito ay
ang "Mommy Maldita" package.
So mayroon po tayong available na mga
tinatawag nating "disorder enhancers".
Mga tablet po ito na ipapainom niyo kay Ma'm,
half a tablet in the morning
and another half before matulog.
Kung ano man po ang disorder na mayroon si Ma'm,
kahit katiting lamang,
ima-magnify po ng aming tableta
up to 25 times! (Citation needed)
Halimbawa, Ma'm, mayroon kayong
Attention Deficit/Hyperactivity Disorder,
under ng medication na ito ay magiging
ADHD times 25.
Kung kayo naman ay may Obsessive-Compulsive Disorder,
ito ay magiging OCD times 25.
Again, within our company guaranty of ten working days,
siguradong mababaliw itong si Sir,
at itatakas niya ang inyong anak,
at hindi kailanman babanggitin na siya pala ay mayroong ina.
Ang ending niyan, Ma'm,
ay 'di mo na makikita ang iyong anak
except sa Facebook,
at hindi sila aasa sa iyo
para sa kahit na anong bagay.
Ang "Mommy Maldita" package pala
ay available lamang
kung ang inyong anak
ay tapos na sa stage na breastfeeding.
Ang ating Option Nos. 3 and 4 ay related,
so ipapaliwanag ko sila nang sabay.
Ito po ang tinatawag nating Weekend Parent package.
Ang Option No. 3 ay ang Weekend Dad package,
at ang Option No. 4 ay ang Weekend Mom package.
Pareho lang 'yan.
Basically, ang bata ay nasa custody ng isa sa inyo
mula 12:00 midnight ng Lunes
hanggang 11:59 PM nang Biyernes,
at for the rest of the time,
lilipat ang custody sa kabila.
Bagamat ang school days ay natural na nakatapat sa weekdays,
kung mayroong school activity na matatapat sa weekend,
halimbawa'y field trip o overnight camping,
ang custody ay mapupunta sa weekend parent.
At dahil ang Weekend Parent packages
ay ang aming pinakamahinang bumenta na serbisyo,
mayroon kaming special offer
para ma-engganyo kayong kumuha
ng Weekend Parent package.
Ito ang tinatawag naming "Awkward Overload".
Magaganap ang promo na ito
sa tuwing magpapalit ng custody ang magulang,
dahil sisiguraduhin naming
bigyan kayo ng maraming maraming awkward situations.
Halimbawa, ang ipangsusundo namin na sasakyan
ay ang same model ng kotse kung saan kayo nag-first kiss.
O kaya magpapasundo sa restaurant
kung saan kayo nag-first date.
Sa pamamagitan ng "Awkward Overload",
unti-unti naming buburahin
ang huling latak ng ka-sentihan at kabaduyan
sa inyong dugo.
Ang end goal ng "Awkward Overload"
ay matanggap ng parehong parents
na wala na silang pag-asang magkabalikan.
Option No. 5 naman
ang tinatawag naming
"Live-In Kabuhayan Showcase".
Mananalo kayo ng isang house and lot,
fully furnished,
may 60-inch LED Full HD 3D TV,
5Mbps na broadband connection,
dalawang Mac Book Pro,
at P5000 gift certificate sa Toy Kingdom.
Ngunit ang kapalit lamang nito ay
hindi kayo maaaring magpakasal.
Sa oras na kayo'y ikasal
ng pari o ng huwes,
ay babawiin sa inyo
ang buong Kabuhayan Showcase,
at kayo'y magmu-multa, jointly and severally,
ng hanggang 30% ng halaga ng mga produkto sa Showcase
dahil sa natural na wear and tear.
Okay, ayun po ang mga
HINDI ninyo napili.
Ang napili ninyo ay ang Option No. 6
o ang "Happily Ever After" package.
Kasama po sa package na ito ang...
wedding organization,
printing ng wedding invitation
(na wala ng chechebureche, na aming pinapauso ngayon
dahil ayaw namin ng wedding invitations na madaldal),
location,
local government clearance and permits,
Church permits,
drafting ng pre-nuptial agreement,
notarization,
accounting of personal property,
air fare via Zest Air
o ang tipo ng mas adventurous sa inyo,
ang aming Indiana Jones airplane
mula sa Sky Pasada,
travel insurance,
photo coverage mula sa award-winning photojournalist,
paparazzi coverage,
cocktails,
magnificent view ng South China Sea,
at isang bahay sa... drumroll...
Pampanga!
I know, right?
Na'ko, Ma'm, paano po kayo magko-commute niyan?
Wala pa naman sa package ang kotse.
Anyway, may bonus promo rin po tayo rito para kay Ma'm,
ang tinatawag nating "Hyphen Bonus"
kung saan makakatanggap kayo Ma'm ng P20 bonus
sa tuwing pipirma kayo ng kahit anong bagay
gamit ang inyong bagong apelyido.
Ang promo po na ito
ay hindi applicable
kung si Ma'm ay isang notary public.
Ayan po,
congratulations sa inyong pagpili ng "Happily Ever After"package.
Kung may iba kayong katanungan,
i-text niyo nalang ako,
or i-follow niyo nalang ako sa Twitter,
@iamlifeplannersmgtcoincltd.
Mabuhay!
*for Gary and Nicole
Batanes, 4 Feb 2012
Subscribe to:
Post Comments
(
Atom
)
My Literary Side
"The Words come from the Divine; from the Muse the Idea. The Poet merely transcribes." ┼Old Sumerian proverb
(Kidding, I made that up. LOL)
(Kidding, I made that up. LOL)
Labels
poetry
(
114
)
heart
(
20
)
juvenile
(
15
)
social
(
15
)
inww-e
(
10
)
heartbreak
(
9
)
performance
(
9
)
short story
(
9
)
the batanes collection
(
9
)
haiku
(
6
)
religious
(
6
)
political
(
5
)
filipino
(
4
)
god
(
4
)
nature
(
4
)
revolutionary
(
4
)
tibak
(
4
)
ust
(
4
)
article
(
3
)
death
(
3
)
elegy
(
3
)
haiyan
(
3
)
inww-a
(
3
)
philippine star
(
3
)
sports
(
3
)
yolanda
(
3
)
acrostic
(
2
)
ghazal
(
2
)
wedding
(
2
)
academic
(
1
)
ballad
(
1
)
biblical
(
1
)
birthday
(
1
)
boxing
(
1
)
breaking bad
(
1
)
christmas
(
1
)
cory aquino
(
1
)
crime
(
1
)
elections
(
1
)
erotica
(
1
)
exercise
(
1
)
fiction
(
1
)
floyd mayweather
(
1
)
legend
(
1
)
manny pacquiao
(
1
)
marijuana
(
1
)
marriage
(
1
)
math
(
1
)
michael jackson
(
1
)
motorsports
(
1
)
mountains
(
1
)
movies
(
1
)
music
(
1
)
mythology
(
1
)
nostalgia
(
1
)
personal
(
1
)
philippines
(
1
)
play
(
1
)
prime
(
1
)
rape
(
1
)
sagada
(
1
)
sci-fi
(
1
)
sestina
(
1
)
sonnet
(
1
)
star wars
(
1
)
tao te ching
(
1
)
villainelle
(
1
)
No comments :
Post a Comment