Ang Bagong Laro ni Trudis Liit

Isang hapon, masayang papunta si Trudis Liit sa basketball court. Dala-dala niya ang bagong niyang basketball. Ang bolang ito ay regalo sa kanya ni Kapitan Bong. Si Kapitan Bong ay ninong ni Trudis Liit.


---


Habang nagshu-shooting si Trudis Liit, may lumapit sa kanyang dalawang mas malaking bata.

"Trudis, ang ganda ng bola mo," sabi ng malaking bata. "Sali ka sa laro namin. Pero maghintay pa tayo ng pitong manlalaro, para maging sampu tayo."

"Sige!" masayang sagot ni Trudis. Pinasa niya ang kaniyang bola sa malalaking bata.


---


Maya-maya, may dumating na walong malalaking bata.

"Naku, sobra na tayo ng isa. Eleven na tayo," sabi ng pinakamalaking bata. "Trudis, mamaya ka nalang maglaro ha."

At naglaro ang sampung malalaking bata. Lumubog na ang araw at nag-gabi na. Hindi na nakapaglaro si Trudis Liit.

"Sorry, Trudis," sabi ng pinakamalaking bata. "Bukas nalang tayo maglaro."

Umuwi si Trudis Liit mag-isa. Ang bago niyang bola ay nadumihan na. At wala siyang pawis sa katawan, dahil hindi siya nakapaglaro kahit kaunti.


---


Kinabukasan, bumalik si Trudis Liit sa basketball court. Dala ulit niya ang kanyang bola.

Malayo pa lang siya, nakita niyang marami nang malalaking bata sa court.

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampung batang malalaki.

Naisip ni Trudis na hindi na naman siya makakapaglaro. Tumalikod siya at dahan-dahang naglakad pauwi. Ngunit biglang may tumawag sa pangalan niya.

"Trudis! Pahiram muna ng bola mo!"

Lumapit ang isang malaking bata at hiniram ang bola ni Trudis. Hindi nakatanggi si Trudis. Mabait kasi siya at hindi madamot. Pero hindi na naman siya nakapaglaro.


---


Kinabukasan, hindi lumabas ng bahay si Trudis Liit. Kaya pinuntahan siya ng kanyang ninong na si Kapitan Bong.

"O Trudis, bakit wala ka sa court?" tanong ni Kapitan Bong.

"Hindi po kasi nila ako pinapalaro," malungkot na sagot ni Trudis. "Maliit po kasi ako at malalaki silang lahat."

"Gan'un ba?" sabi ni Kapitan Bong. "Sige, hintayin mo lang ako diyan."

Umuwi sandali si Kapitan. Pagbalik niya, may dala siyang bola ng football.

"O Trudis, para sa'yo," sabi ni Kapitan Bong. "Ngayon, tawagin mo lahat ng maliliit na bata, at magkita-kita tayo sa bukid."


---


Matapos ang isang oras, dumating sa bukid si Trudis Liit. Dala niya ang kanyang bagong football. May kasama rin siyang maraming mga batang maliliit. Nakita nila si Kapitan Bong na naghihintay na sa kanila.

"Lapit kayo, mga bata," sabi ni Kapitan Bong. "Tuturuan ko kayo mag-football."

Masayang naglaro ang mga maliliit na bata. Naglaro sila nang naglaro hanggang tumulo ang kanilang pawis. Naglaro sila hanggang lumubog ang araw. Kinabukasan, naglaro sila muli. Naglaro na sila araw-araw. At naglaro sila ng football hanggang sila'y tumanda.


WAKAS

Sting Lacson

A writer. By degree and by profession. Also strongly advocates ten-finger typing to all writers because that's what you do for a living, so be efficient at it.

No comments :

My Literary Side

"The Words come from the Divine; from the Muse the Idea. The Poet merely transcribes." ┼Old Sumerian proverb

(Kidding, I made that up. LOL)

Translate

Followers